DND: ROTC, gamot sa mental problem

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Naniniwala si Defense Secretary Carlito Galvez Jr. na makatutulong ng malaki ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program upang malutas at magamot ang mga problema sa mental health.

Ayon kay Galvez, sakaling gawing mandatory ang ROTC, masasanay ang mga estudyante sa mga karanasan na makatutulong sa kanilang buhay, hindi tulad ng sa National Service Training Program (NTSP).

“‘Yun ang pagkakaiba po sa NSTP. Ang experience training talaga pong naisasapuso niya po ang lahat ng ginagawa niya. ‘Yung [survival] instinct nandoon. So ‘yung sinasabi nating mental problem, it can be cured, kasi ‘yung frustration tolerance ng tao, tataas,” ani Galvez.

Paliwanag ni Galvez, mas madaling makakapag-isip ng paraan at makagagawa ng paraan ang isang sumasailalim sa ROTC sakaling may ma-encounter ito na isang sitwasyon.

Sabi pa ni Galvez, ang ROTC program ay mag­huhubog din ng mga future mentor at counsellor na makakatulong para sa mga estudyanteng nakakaranas ng mental health problem post-traumatic stress disorder (PTSD).

“Karamihan po sa ating mga sundalo they are trained as mentors and counsellors. Kung may problema ang isang tao… being a combat leader, na-expose po ako, marami po sa amin nagka-PTSD pero nabibigyan po namin ng counseling and because of the counseling nagbabago po ‘yung tao,” dagdag pa ni Galvez.

Samantala, inihayag din ni Galvez na wala siyang nakitang pag-unlad sa mga kabataan simula nang ipatupad ang batas sa NSTP.

Hindi na rin anya kailangan pa magkaroon ng giyera para isulong ang ROTC dahil ginagawa na ito sa ibang mga bansa na walang banta o hindi nagkaroon ng giyera.

LATEST

LATEST

TRENDING