Marcos kinasa pabahay, scholarship sa pamilya ng mga OFW

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga overseas Filipino worker (OFW) na gumagawa ng hakbang ang pamahalaan para masiguro na ang kanilang pamilya ay matutulungan habang sila ay nagtatrabaho sa abroad.

“Ang aming approach ngayon para sa OFW ay tulungan hindi lamang ‘yong OFW kung ‘di pati ‘yong pamilya na naiwan dito sa Pilipinas,” wika ni Marcos Jr. sa vlog nitong Sabado.

“Kaya’t ‘yong mga bagay tulad ng pabahay, scholarship program naibibigay natin sa anak ng mga OFW,” saad ng pangulo.

Binanggit din ni Marcos na may nakalatag din na programa sa mga OFW na gustong umuwi ng Pilipinas at dito na lamang maghanap ng trabaho.

“Kailangan natin gawin ay makapagbigay sa kanila ng trabaho [kasi] kaya naman sila umalis ay dahil hindi sila makahanap ng trabaho na katumbas ng kanilang training,” ani Marcos.

LATEST

LATEST

TRENDING