PBBM: Investment pledge ng Grab, lilikha ng 500K trabaho

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Nakakuha si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng investment commitment mula sa ride-hailing service na Grab, na maaaring makalikha ng nasa 500,000 trabaho, ayon sa Malacañang.

Nakipagpulong si Marcos sa mga opisyal ng Grab Holdings Inc. nitong  Pebrero 2, sa Palasyo ng Malacañang upang talakayin ang mga rekomendasyon ng Grab sa mga posibleng paraan para gawing moderno ang transportasyon sa Pilipinas.

Sa pagpupulong, nangako si Anthony Tan, CEO at co-founder ng Grab, na lilikha ng mga trabaho sa bansa, na tinitiyak sa Pangulo na maghahatid ang kanyang kumpanya.

“Well, that is what we need. At the very start of all of this, we had always stressed that what we have to do is create jobs right now. Because so many businesses closed, so many people really have no place to go, even the OFWs. So… we need to find jobs,” ani Marcos kay Tan.

Ayon pa sa Pangulo, ang kanyang pamahalaan ay lumikha ng humigit-kumulang na 2 milyong mga trabaho na nagresulta aniya sa pagbaba sa antas ng kawalan ng trabaho sa bansa.

Sinabi ni Tan kay Marcos na mga motorcycle taxi ng Grab ay nakakalikha ng halos apat hanggang limang milyong sakay sa isang araw.

Idinagdag ni Tan na kailangan ding lumikha ng trabaho sa Davao, Cebu, at Iloilo at hindi lamang sa Metro Manila.

LATEST

LATEST

TRENDING