Marcos sa DSWD: Ipagpatuloy ang cash grants sa mga mahihirap na Pilipino

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipagpatuloy ang pagbibigay ng cash grant sa mga mahihirap na sambahayan at indibidwal na lubhang apektado ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sa kanyang talumpati sa 72nd founding anniversary ng DSWD nitong Martes, ipinag-utos ni Marcos sa departamento na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng iba’t ibang programa na naglalayong mabawasan ang kahirapan at kagutuman sa bansa.

Sinabi ng Pangulo sa DSWD at iba pang ahensya ng gobyerno na tiyakin na ang kani-kanilang mga serbisyo ay “naaabot sa mga nangangailangan saanman sila naroroon,” na binibigyang-diin na ang mga tao ay hindi kailangang maglakbay sa mga kalunsuran para ma-access ang mga serbisyo ng gobyerno.

“Continue calibrating the Pantawid Pamilyang Pilipino Program and strengthening the government’s social protection initiatives, especially since one of the measure that we undertake to address poverty is through the grants that we provide for the health needs of every household and education of our children,” wika niya.

“In addition to these, I call upon the department to continue to implement the unconditional cash transfer program to provide cash grants to poor households and individuals who do not benefit from the lower income tax rates but who are adversely affected by rising prices,” dagdag niya.

Hiniling din ng punong ehekutibo sa DSWD na pahusayin ang social pension program para sa mga mahihirap na senior citizens bilang isang paraan upang madagdagan ang kanilang pang-araw-araw na subsistence at medikal na pangangailangan.

Sa kanyang talumpati, pinuri rin ni Marcos ang DSWD sa mga kontribusyon nito sa pagtugon sa pandemya, pagbabawas ng kahirapan at kagutuman, at tungo sa pagkamit ng upper middle income status sa 2025.

“The work that you do is crucial and I am sure that with your dedication and hard work, we will continue to make the progress in uplifting the lives of our fellow Filipinos,” isinaad ng Pangulo.

LATEST

LATEST

TRENDING