Benepisyo ng mga health worker, ipagpapatuloy ni Marcos

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Patuloy na makakatanggap ng COVID-19 allowances ang mga health worker kahit tapos na ang state of calamity, ayon kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. nitong Miyerkoles.

“Tuloy-tuloy ‘yan… ‘yong inaalala ko dati na hindi matutuloy ang compensation para sa ating health workers, ‘yong mga health worker, ‘yong allowance nila ay pinag-aralan namin nang mabuti kahit hindi itinutuloy ang state of calamity ay hindi maapektuhan ang pagbayad doon sa ating mga health worker ng kanilang mga benefit,” wika ni Marcos Jr. sa kanyang pulong sa mga health official sa Malacañang.

Tinalakay din sa pulong ang sitwasyon ng pandemya sa bansa at ang pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19.

“Pababa naman nang pababa ang ating cases, pababa nang pababa naman ang ating hospitalization, ‘yon ang binabantayan natin. So titingnan natin,” ayon pa sa punong ehekutibo.

“Hindi na kailangan kagaya ng 2021 na lagi tayong nagmamadali makakuha ng vaccine dahil pabawas na ‘yong risk, so dapat naman eh mag-adjust din tayo doon sa kung ano ba talaga ang scientific na assessment doon sa sitwasyon ng COVID,” diin pa ng pangulo.

LATEST

LATEST

TRENDING