PNP: E-sabong isama sa mga illegal gambling

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Nais ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na isama ang e-sabong sa listahan ng mga illegal gambling sa bansa.

Ayon kay Azurin, inirekomenda ng Anti Cybercrime Group sa Kongreso ang pagsasama ng e-sabong sa ilegal na sugal na may parusa sa ilalim ng Presidential Decree 1602.

Sinabi ni Azurin na  dapat na mabigyan ng kaukulang parusa ang mga service providers na hindi magba-block ng e-sabong websites.

Ipinaliwanag pa nito na, kailangang naka-block ang website ng e-sabong at hindi lamang tatanggalin ang website dahil maaari pa rin itong ma-access bunsod ng  teknolohiya.

Nakikipag-ugnayan na rin umanop sila sa Department of Information and Communications Technology(DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) upang masugpo ang e-sabong partikular ang mga e-sabong operators.

Nakaraang taon nang suspindihin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa pamamagitan ng isang in Executive Order (EO) 9 ang  online sabong sa buong bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING