Enrile: ICC probers walang hurisdiksyon sa Pilipinas, dapat arestuhin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Hindi dapat payagan ng gobyerno na mag-imbestiga sa sinumang opisyal ng Pilipinas ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC), ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

Ayon pa kay Enrile, bilang abogado ng Presidente, hindi niya kikila­lanin ang jurisdiction ng ICC at wala rin silang sovereign power sa Pilipinas.

“I’m telling you, as a lawyer of the President, as far as I’m concerned, I will not recognize the jurisdiction of the ICC. They have no sovereign power over us,” ani Enrile.

Kung si Enrile rin ang masusunod, isusulong niya ang pag-aresto sa mga imbestigador na pupunta sa bansa para silipin ang nangyari sa mga biktima ng war on drugs.

“If they will come here, if I were to be followed, I will cause their arrest. They interfere too much in our internal affairs,” dagdag ni Enrile.

Ayon pa kay Enrile, dapat humingi ng permiso ang ICC sa Pilipinas para makapasok ang kanilang mga imbestigador sa bansa.

“I will not allow them to come here in the country to investigate here. They have to ask permission,” ani Enrile.

Ginawa ni Enrile ang pahayag matapos payagan ng ICC ang kahili­ngan ng prosecutor nito na ipagpatuloy ang imbes­tigasyon sa madugong giyera kontra sa ilegal na droga ng Pilipinas.

Sinabi ng ICC na hindi sila satisfied sa mga isi­nagawang imbestigasyon ng gobyerno tungkol sa isyu ng ilegal na droga.

Nauna nang iginiit ng nakaraang administrasyon na gumagana ang justice system sa bansa kaya walang dahilan para panghimasukan ito ng ICC.

Iginiit din ni Enrile na hindi nilabag ni da­ting Pangulong Rodrigo Duterte ang batas nang mag-utos ito ng crackdown laban sa mga nagtutulak at gumagamit ng ilegal na droga.

LATEST

LATEST

TRENDING