PSA: Teenage pregnancy, bumaba ng 5.4%

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Bumaba ang ­teenage pregnancy ng mga kabataang Pinay na edad 15-19 sa 5.4 percent noong 2022 mula sa 8.6 percent noong 2017.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 13.3 percent ang nagbuntis na edad 19, 5.9 percent ang 18-anyos, 5.6% nasa 17 years old at 1.7% ang 16 taong gulang habang 1.4% ang 15 years old.

May 0.4% naman ng mga teenage pregnant ang nakunan.

Samantala umaabot  sa 6.1% ng teenage pregnancy ay mula sa rural ­areas at 4.8% sa urban areas.Naitala sa Northern Min­danao ang pinakamataas na bilang na 10.9%, sinundan ng Davao Region, 8.2%; Central Luzon, 8% at Caraga, 7.7%.

Ang Ilocos Region at Bicol Region ay kapwa nakapagtala ng mababa na 2.4%.

Mayorya ng Pinay teenager na nabuntis ay mula sa mahihirap o 10.3% habang 1.8% mula sa mayayaman.

Sa usapin ng educa­tional attainment, mas ma­rami ang teenage pregnancy sa mga nakapagtapos ng grade 1-6 (19.1%), grade 7-9 (5.3%), grade 11-12 (4.8%) at college level (1.9%).

Ayon sa PSA, ang tala ay mula sa 27,821 kababaihan na kanilang nakausap na edad 15-19 noong 2022.

LATEST

LATEST

TRENDING