Marcos itinangging inihahanda si Sandro para maging presidente

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isinasama niya palagi sa mga biyahe at mga “engagements” ang kanyang anak na si Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos upang ihanda bilang presidente ng bansa.

Sinabi ni Marcos na ang anak ang bahala sa gusto niyang mangyari sa kanyang career sa pulitika at hindi niya ito inihahanda sa kahit anong posisyon.

“Sandro? No. He is not being… We’re not grooming him for anything. He is grooming himself. He is… He has decided on this career in politics and he will handle it the way he does,” ani Marcos.

Nilinaw din ni Marcos na walang “long-range plan” para maging pangulo ng bansa ang anak sa hinaharap at tiyak aniyang tatawanan lang ito ni Sandro.

Anya, may trabaho sa Ilocos Norte ang anak bilang kinatawan ng probinsiya at premature na pag-usapan ang tungkol sa posisyon ng presidente. 

Sinabi rin ni Marcos na halos katulad niya ng ugali ang anak na pinagbubuti lang ang trabaho at saka tinitingnan kung hanggang saan makakarating.

Aminado ang Pangulo na lahat ay nangangarap na mapunta sa number one na posisyon pero hindi aniya nangangahulugan na pinagpa-planuhan na nila ito para kay Rep. Marcos.

Ipinaliwanag pa niya na kaya nakasama ang anak sa biyahe sa Davos, Switzerland kung saan dumalo siya sa 2023 World Economic Forum ay dahil ito ang author ng panukalang Maharlika Fund bill.

LATEST

LATEST

TRENDING