DICT: Bentahan ng SIM card, tumumal!

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Tumumal na umano ang bentahan ng SIM cards sa merkado.

Ito ay sa gitna na rin ng implementasyon ng mandatory SIM card registration law sa bansa.

Hindi naman nagbigay ng eksaktong numero si Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan Uy ngunit sinabing, “Since nag-announce tayo nito, bumagsak ang benta­han ng SIM Cards dahil dati itong mga scammers, itong mga sindikato, bili nang bili ng SIM card tapos tapon.”

“Ngayon alam nilang ‘di na nila magagawa ‘yun so bumagsak ang bentahan ng SIM Cards, which we anticipated that will happen,” ayon pa kay Uy, sa isang pulong balitaan kahapon.

Aniya pa, mas kakaunti na ring SIM cards ang ipagbibili matapos ang pagtatapos ng registration period.

“In terms of local population, the sales will be very, very small once this happens,” aniya pa.

Disyembre 27, 2022 nang simulan ang pagrerehistro ng mga SIM card sa bansa.

Mayroon na lamang 180 days o hanggang Abril ang mga subscribers upang irehistro ang kanilang SIM cards upang maiwasang ma-deactivate ang mga ito.

LATEST

LATEST

TRENDING