DOH: Halos 2K bagong kaso ng Covid-19, naitala

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Nakapagtala ang bansa ng 1,891 mga bagong kaso ng COVID-19 nitong nakalipas na Enero 16 hanggang 22.

Batay sa National COVID-19 case bulletin ng DOH, mayroon na lamang average na 270 kaso na naitala kada araw sa nakalipas na linggo. Mas mababa ito ng 35% kumpara sa mga kasong naitala mula Enero 9 hanggang Enero 15, 2023.

Apat na kaso ang nadagdag sa ‘severe at critical’ na kundisyon, habang naitala sa 104 ang bagong nadagdag sa mga nasawi kung saan 7 lamang dito ang nangyari mula Enero 9 hanggang Enero 22.

Sa healthcare utilization, nasa kabuuang 432 pasyente ang nasa ‘severe at critical’ na kundisyon. Naitala sa 3,509 ang nakaratay sa non-ICU beds at 370 indibidwal naman ang nasa ICU beds.

Umabot na sa 94.52% ng ‘target population’ ang ‘fully-vaccinated’ na katumbas ng 73,820,001 bakunado. Ito ay nang madagdagan ng 16,170 ang nabakunahan nitong nakalipas na linggo.

Nasa 21,293,632 naman ang nakapagpaturok ng unang booster shot makaraang ma­dagdagan ng 51,925 nitong nakaraang linggo.

LATEST

LATEST

TRENDING