Maharlika Fund aaprubahan ng Senado tapos ng Holy Week

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Inaasahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri na maipapasa sa pinal na pagbasa ng Senado ang panukalang pagtatatag ng Maharlika Investment Fund (MIF) pagkatapos ng Mahal na Araw.

“Tingin ko mga after Holy Week na ‘yan for second and third reading approval and of course, discussion [at the] bicameral conference committee kasi marami pa tayong ite-take up,” ayon kay Zubiri.

Ngayong araw ay nakatakdang magbalik ang sesyon ng Kongreso at muling mag a-adjourn sa Marso 24 bago ang Holy Week at muling magre-resume sa Mayo 8 hanggang Hunyo 2.

Ayon sa Senate President na bago ang kanilang bakasyon sa Marso 24 ay posibleng maipasa ang panukalang MIF sa committee level.

Iminungkahi rin ni Zubiri na agad magsagawa ng hearing tungkol sa panukala na nauna nang sinertipikahan bilang urgent ni pangulong Marcos.

Sinabi naman ng Senador na naghain na si Senate banks, financial intermediaries chairman Mark Villar ng counterpart bill noon pang nakaraang linggo na umanoy katulad na bersyon din ng House of Representatives.

Samantala, nilinaw naman ni Zubiri na hindi maaaring balewalain ng Senado ang isinusulong na MIF ng Pangulo dahil nai-promote na ito ni Marcos sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland.

Sa kabila nito, tiniyak naman niya kailangan pa rin itong pag-ingatan para maiwasan ang korapsyon.

LATEST

LATEST

TRENDING