Walang OFWs na nasibak sa NAIA shutdown

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Wala ni isang OFW ang nasibak sa trabaho matapos makansela ang lipad ng mga eroplano sa nangyaring krisis sa Ninoy Aquino ­International Airport (NAIA) nitong ­Enero 1.

Sa pagharap ni Civil Aeronautics Board (CAB) Executive Director  Carmelo Arcilla sa pagdinig ng House Committee on Transportation kaugnay sa nangyaring ‘system glitch’ sa Air Control Tower (ATC) ng NAIA, sinabi ng opisyal na base sa impormasyon mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), nagkaroon sila ng koordinasyon sa pagtulong sa mga na-stranded na pasahero kabilang ang naturang mga OFWs. Una nang napaulat na nababahala ang mga OFWs kung may trabaho pa silang babalikan matapos na ma-istranded sa NAIA.

“The OWWA likewise deployed roving ­nurses, midwives providing medical attention, supplies and ambulances”, anang opisyal na sinabing magandang balita na rin na walang nairekord ang nasabing ahensya na mga OFWs na napatalsik sa kanilang mga trabaho bunga ng insidente.

Inihayag ni Arcilla na base sa rekord ng OWWA ay nasa 7,025 OFWs ang kanilang natulungan kabilang dito ang 859 binigyan ng mga pagkain, 174 ang tinulungan sa akomo­dasyon sa mga hotel at 183 ang pinagkalooban ng transportasyon.

Ayon sa opisyal, taliwas sa napaulat na 65,000 pasahero ang naapektuhan ay nasa 77,000 ang mga ito kabilang na ang mga nag-book via online. Nasa 400 international at domestic flights naman ang nakansela.

LATEST

LATEST

TRENDING