Presyo ng sibuyas, kinokontrol umano ng dayuhan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Posibleng mayroong dayuhan na kumokontrol o nagdidikta sa desisyon ng gobyerno para sa industriya ng sibuyas at iba pang agricultural products.

Ito ang hinala ni Senate Minority Leader Koko Pimentel dahil lahat umano ng desisyon at patakaran ngayon ay pag-agrabyado at panggigipit sa mga magsasaka ng bansa habang pumapabor naman sa mga importer at onion trader.

Idinagdag ni Pimentel na walang Filipino na magagawa ang panggigipit sa kapwa Filipino.

Tinukoy ng Senador ang desisyon ng gobyerno na mag-import ng sibuyas na ayon sa mga magsasaka ay papatay sa kanila dahil sasabay sa kanilang anihan ang pagdating ng mga imported.

Maging ang mga sto­rage facilities o imbakan ng mga sibuyas ay nakareserba na sa mga imported na sibuyas o kaya  sa traders, ganito rin umano ang ginagawa sa ibang agricultural products kaya hindi nagiging produktibo ang sektor na ito.

Giit ni Pimentel, tiyak na bansa na may mala­king produksyon ng sibuyas ang ‘puppet master’ o ang nagpapagalaw ngayon sa gobyerno.

Matatandaan na sa pag­dinig sa senado ng tungkol sa sibuyas, luma­labas na P60 kada kilo ang imported na sibuyas habang ang presyo na hinihingi ng local farmers ay kahit P100 kada kilo para manatili silang nakatayo.

Ayon sa senador, magsasakripisyo ang mga Filipino para bumili ng P100 kada kilo basta lokal dahil binibili nga ngayon kahit na P650 o P700 bawat kilo ng sibuyas.

LATEST

LATEST

TRENDING