DBM: P1.3 bilyon, inilaan sa libreng sakay

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA —  Naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng P1.3 bilyon para masaklaw ang service contracting program (SCP) ng gobyerno, kung saan nagbibigay ng libreng sakay sa mga commuter papasok at palabas ng metro.

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na sa ilalim ng 2023 national budget, P1.285 bilyon ang ilalaan para sa SCP na ipinatutupad ng Department of Transportation (DOTr).

Pinahihintulutan ng SCP ang mga ahensya na umarkila ng mga pampublikong sasakyan para magserbisyo sa mga ruta ng transportasyon at magbigay ng libreng sakay sa mga commuter sa kahabaan ng EDSA busway at ilang rehiyon sa labas ng Metro Manila.

“Since the DOTr is the implementing agency, it is up to them to identify the scope and coverage of the program,” wika ng DBM. “They have the option to spread or limit its coverage, based on the result of their study.”

Upang matiyak ang mahusay at ligtas na mga operasyon ng pampublikong transportasyon sa ilalim ng new normal na kondisyon, ang SCP ay nagbibigay ng suportang pinansyal sa mga tagapagbigay ng serbisyo sa transportasyon sa pamamagitan ng mga pagbabayad na nakabatay sa pagganap.

Binigyang-diin ng DBM na malaking tulong sa mga Filipino commuters ang libreng sakay dahil magagamit na ang kanilang ipon sa transportasyon para sa iba pang pangangailangan tulad ng mga bayarin sa pagkain at bahay.

Sa EDSA busway, nakapagtala ang gobyerno ng kabuuang 165 milyong pasahero na nag-avail ng Libreng Sakay program noong nakaraang taon. Ang mga libreng sakay ng bus ay napakinabangan ng 389,579 na pasahero araw-araw, na umabot sa 400,000 tuwing holiday.

Ngunit sinabi na ng DOTr na target nitong makumpleto ang pagsasapribado ng P551-million EDSA busway ngayong taon, na nangangahulugan na ang pamamahala at operasyon ay ibibigay sa pribadong sektor.

Samantala, sinabi ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte na ipagpapatuloy nito ang Libreng Sakay program ngayong taon habang pinangunahan ng Metro Ilocos Norte Council ang pamamahagi ng “free ride” stubs noong Miyerkules.

Hindi bababa sa 780 recipients – binubuo ng indigent students, senior citizens, at persons with disabilities (PWDs) – mula sa Laoag City at mga bayan ng San Nicolas, Bacarra at Sarrat ang nakatanggap ng tig-10 stubs (na nagkakahalaga ng P500).

LATEST

LATEST

TRENDING