P149 bilyon kita sa turismo, ibinida ng Palasyo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Ibinida ng Malakanyang na nakapagtala ng P149 billion na kita ang industriya ng turismo sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa Palasyo, batay sa year-end report ng Department of Tourism (DOT) ay umabot sa 2.4 million na mga dayuhang turista ang bumisita sa Pilipinas.

Mas mataas ito ng 75 percent sa target ng DOT na 1.7 million.

Para sa susunod na taon, itinaas ng ahensya sa 2.6 milion ang international tourist arrivals sa low scenario at 6.4 million sa high scenario.

Kasabay nito’y inilatag ng DOT ang mga plano at mga programa nito para sa 2023 na naka-sentro sa connectivity, convenience at e(Quality).

Ang mga inisyatibong ito ay nasa ilalim ng

Seven-Point Agenda ng ahensya na layong mapaganda ang tourism infrastructure, magtatag ng digitalization at connectivity, at palakasin ang tourism experience sa pangkalahatan.

LATEST

LATEST

TRENDING