Marcos admin, ipupursige ang PPPs

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Ipupursige ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang public-private partnerships (PPPs) sa pagpapaunlad ng imprastraktura sa susunod na taon.

Sa year-end report ng National Economic and Development Authority (NEDA) na iprisinta sa Malakanyang, sinabing isusulong din ng pamahalaan ang local PPP projects sa mga prayoridad na sektor.

Ito’y para mas mapalakas pa ang ekonomiya at makalikha ng maraming trabaho.

Ayon sa NEDA, bukod sa PPPs ay pasisimulan din ng administrasyong Marcos ang Investment Coordination Committee (ICC) appraisal at malalaking national projects sa 2023.

Isasapinal naman ang Regional Development Plan (RDP), Public Investment Program (PIP) para sa 2023-2028, at ang Three-year Rolling Infrastructure Plan (TRIP) para sa 2024-2026.

Uumpisahan din ng NEDA ang implementasyon ng Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028 kung saan nakapaloob ang mga programa para sa mas mabilis na pagbangon ng ekonomiya.

LATEST

LATEST

TRENDING