DOH: Pagtuturok ng ‘monovalent Covid-19 vaccines’ tuloy

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Itutuloy pa rin ng Department of Health (DOH) ang pagtuturok na “monovalent vaccines” sa mga Filipino makaraan na maglabas na ang Food and Drugs ­Administration (FDA) ng “emergency use authorization (EUA)” para sa mga bagong bivalent vaccines.

“Hindi po natin ititigil itong monovalent kasi ito naman po ay epektibo pa rin naman po,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Kumpara sa monovalent vaccines na ginawa upang labanan ang orihinal na virus mula sa Wuhan, China, ang bivalent vaccines ay magbibigay naman ng proteksyon laban sa malulubhang sakit dulot ng mga bagong variants.

“Ito pong bivalent, bibigyan ng additional protection especially po ‘yung ating mga nakakatanda tsaka ‘yung mga vulnerable,” paliwanag ni Vergeire.

Inaasahan naman na maglalabas ang DOH sa mga susunod na araw ng mga rekomendasyon at panuntunan sa pagtukoy sa prayoridad na populasyon o kung ibibigay ito sa “general popultion”.

“Tayo po ay bumibili rin nitong bivalent vaccine, siyempre, unang-una para mas maprotektahan ‘yung mga vulnerable natin, kasi po may mga ebidensya nang lumalabas na sa ating nakakatanda, at saka doon sa mga may comorbidities, mas protektado sila kung meron itong bivalent vaccine,” paliwanag pa ni Vergeire.

LATEST

LATEST

TRENDING