Biktima ng paputok, umakyat na sa 32

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Tuloy ang pagtaas ng bilang ng mga biktima ng paputok makaraang umakyat na ito sa 32 nang ­madagdagan ng pito, base sa monitoring ng Department of Health (DOH).

Mas mataas ito ng 39% kumpara sa naitala noong nakaraang taon sa parehong period.

“Mula kahapon, Dec. 27, 7 ang naitalang bagong kaso ng fireworks-related injury mula sa 61 na DOH sentinel hospitals,” ayon sa pahayag ng DOH.

“Sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang ng mga kaso ng pinsala dulot ng paputok ay 32 na mas mataas ng 39 porsiyento kumpara sa naitala noong nakaraang taon sa sakop na petsa,” dagdag pa nito.

Una nang pinayuhan ng DOH ang sinumang mapuputukan na hugasan ng dumadaloy na tubig at sabon, balutin ng malinis na tela ang sugat bago magtungo sa ospital o klinika.

Dapat din na magpaturok ng “anti-tetanus shots” ang masasabugan ng paputok upang makatiyak na hindi dadapuan ng tetano.

LATEST

LATEST

TRENDING