DOH: State of Emergency, palawigin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Hiniling na ng Department of Health (DOH) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawigin muli ang Covid-19 state of calamity/emergency sa bansa dahil sa hindi pa ganap na tapos ang pandemya sa papasok na 2023.

Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na nagsumite na sila ng memorandum sa Pangulo upang hili­nging palawigin nitong muli ang state of calamity sa ­Covid-19, na nakatakda nang magtapos sa ­Disyembre 31.

Ito ay makaraang hindi kaagad maipasa ang panukalang batas na lumilikha ng Philippine Center for Disease Prevention and Control, na siyang magpapatuloy ng mga programa ng bansa para sa Covid-19 response.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang nila ang opisyal na tugon ng tanggapan ng Pangulo sa kanilang kahilingan.

Unang ipinatupad noong Marso 2020 ang Proclamation No. 922, na nagdedeklara ng state of public health emergency sa bansa, dahil sa Covid-19 outbreak. Pinalawig ito ni PBBM noong Setyembre hanggang sa katapusan ng taong 2022.

LATEST

LATEST

TRENDING