25 fireworks-related injuries, naitala ng DOH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Iniulat ng Department of Health (DOH) na may kabuuang 25 kaso ng fireworks-related injuries (FWRI) ang naitala.

“There are now 25 cases from Dec. 21 to 27. The very recent five cases of FWRI were recorded from Dec. 26 up to yesterday,” wika ni DOH officer-in-charge (OIC) Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing kahapon.

“At the same time period last year, we had 22 cases. So our cases right now are 14 percent higher than last year.”

Nabatid sa ulat ng DOH-Epidemiology Bureau na ang Western Visayas ang nag-ulat ng pinakamaraming kaso na sinundan ng Bicol Region, Central Visayas at Soccsksargen.

Dalawampu’t tatlong (92 porsiyento) na kaso ang kinasasangkutan ng mga lalaki, 13 kaso (52 porsiyento) ang nagtamo ng mga pinsala sa mata habang dalawang kaso (8 porsiyento) ang nagkaroon ng mga pinsala sa pagsabog/paso na may amputation. Sinabi rin sa ulat na 16 na kaso (64 porsiyento) ang may kinalaman sa mga aktibong kaso o ang aktwal na gumamit ng paputok.

Labingwalong pinsala (72 porsiyento) ang naganap sa bahay habang pito (28 porsiyento) ang naganap sa kalye. Limang kaso (20 porsiyento) ang sinasabing lasing sa oras ng pinsala habang mayroong apat na kaso (17 porsiyento) na na-admit sa mga ospital.

Dagdag pa ng DOH, walang naiulat na namatay.

Nagbigay din ng paalala ang DOH sa publiko na sakaling magkaroon ng FWRI, kailangan munang suriin ang lawak ng pinsala.

“If there is too much blood already as a result of the injury or there is a serious damage to a finger or fingers, you can first wrap it in a clean cloth and immediately seek medical assistance at a nearby hospital,” wika ni Vergeire.

Tungkol naman sa maliliit na sugat o paso, pinayuhan ng DOH OIC na hugasan itong mabuti ng sabon at tubig, at obserbahan ang mga sugat.

Binigyang-diin din ni Vergeire na 100 porsiyentong handa ang mga ospital sa bansa para sa anumang kaganapan sa pagsalubong sa Bagong Taon.

LATEST

LATEST

TRENDING