24/7 complaint center sa SIM Registration, inilunsad ng DICT

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Naglunsad kahapon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng isang 24/7 complaint center upang tumugon sa mga isyu at concerns na may kinalaman sa pagpaparehistro ng SIM card.

Ayon sa DICT, ang anumang concerns na may kinalaman sa pagrerehistro ng SIM card ay maaaring idirekta sa naturang complaint center, sa pamamagitan ng hotline 1326.

Ani DICT spokesperson at Undersecretary Anna Mae Lamentillo, ang unang dalawang linggo ng implementasyon ng SIM registration ay ikinukonsidera nila bilang test period.

Inaasahan na kasi aniya nilang magkakaroon ng ilang glitches o technical issues, lalo na at inaayos pa ng mga public telecommunications entities (PTE) ang kani-kanilang proseso hinggil dito.

Ani Lamentillo, ang naturang 24/7 complaint center ay magsisilbing support system para sa implementasyon ng SIM registration dahil ito ang magbibigay sa kanila ng platform kung saan maaring ipaabot ng mga SIM subscribers ang kanilang mga concerns at magbigay ng mungkahi kung paano paghuhusayin ang proseso.

Para sa registration concerns, ang mga users ng DITO Telecommunity Corp. ay maaaring bumisita sa https://dito.ph/registerDITO, habang ang mga ­subscribers ng Globe Telecom Inc. ay maaaring bumisita sa https://new.globe.com.ph/simreg, at sa https://smart.com.ph/simreg para naman sa Smart uses.

Una nang tiniyak ng mga pangunahing telecommunications firms sa bansa na handang-handa na sila para sa pagpapatupad ng SIM Registration Act, ngunit aminadong maaaring makaranas ng ilang problema sa pagsisimula nito.

LATEST

LATEST

TRENDING