Utang ng Pinas, lumobo pa sa P13.64 trilyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA — Lalo pang lumobo ang utang ng Pilipinas sa P13.64 trilyon nitong Oktubre dahil sa patuloy na panghihiram ng gobyerno sa mga lokal at dayuhang nagpapautang.

Sa datos ng Bureau of Treasury, nasa P13.51 trilyon ang utang ng bansa nitong nakaraang Setyembre na nadagdagan agad ng P123.9 bilyon o .92% na pagtaas.

Sa pag-uumpisa ng 2022, umakyat na ng P1.91 trilyon o 16.31% ang utang ng bansa.

Sa kabuuang utang, nasa P9.36 trilyon o 68.58% ang hiniram sa mga local lenders, habang ang nalalabing P4.29 tril­yon ay mula naman sa mga dayuhang lenders.

Matatandaan na nag-umpisa ang malakihang pag-utang ng Pilipinas sa nakalipas na dalawang taon sa pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para pondohan ang COVID-19 response ng bansa at mga proyektong pang-imprastruktura.

Sa kabila nito, sinabi ng mga economic mana­gers noon na hindi dapat ikabahala ang paglobo ng utang ng Pilipinas dahil sa makakayang bayaran ito sa inaasahang pag-akyat ng ekonomiya.

LATEST

LATEST

TRENDING