SSS, GSIS inalis ng Kamara bilang kontribyutor ng Maharlika Investment Fund

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Nagpasya si Speaker Martin G. Romualdez at iba pang pinuno ng House of Representative noong Miyerkules na tanggalin ang Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) bilang mga kontribyutor sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).

Sinabi ni Marikina City Rep. Stella Quimbo, isang co-author ni Romualdez ng MIF bill, na ginawa nila ang desisyon matapos makipagpulong sa mga economic manager ng administrasyon, na bumalangkas ng panukala.

Based on our assessment of the proposed changes put forward by the economic team, we are amending the bill to change the fund sources, removing GSIS and SSS as fund contributors and instead utilize profits of the Bangko Sentral ng Pilipinas,” wika ni Quimbo sa isang press conference noong Miyerkules ng gabi.

Sa mga tagubilin ng Speaker, sinabi ni Quimbo na ang mga pagbabago ay ipapasok sa panukalang batas ng House Committee on Appropriations sa isang pulong sa Biyernes.

“Maganda na nagsagawa tayo ng series of consultations ukol sa panukala; na-validate ang mga agam-agam ng ating mga kababayan, lalo na ang masisipag na manggagawang Pilipino, na buwan-buwang naghuhulog ng GSIS and SSS,” aniya.

Ipinunto ni Quimbo na ang layunin ng iminungkahing pondo ng sovereign wealth ng Pilipinas “ay maging isang investment vehicle kung saan ang umiiral na surplus capital ng gobyerno ay maaaring lumago at umani ng mga benepisyo.”

“Anuman ang sobrang kapital ng gobyerno ay mabuting ipuhunan sa mga proyekto na may high returns. Sa taumbayan din ang balik ng kita ng investments ng Maharlika na mararamdaman sa mas mataas na budget para sa mga programa ng gobyerno na tutugon sa pangangailangan ng bawat Pilipino,” wika ni Quimbo.

Habang ang panukala ay dumaan sa proseso ng deliberasyon at pag-apruba, tiniyak ni Quimbo na ang Kamara ay “maglalagay ng mga safety net upang matiyak ang tagumpay ng proyekto.”

Dapat masiguro na ang batas na maglilikha ng (It must be ensured that the law that will create the) Maharlika Fund ay mayroong katapat na probisyon na magtatakda sa pangangalaga ng pondo ng bayan (should have corresponding provisions that will ensure the protection of public funds,” wika ni Quimbo.

LATEST

LATEST

TRENDING