DOH: 50 milyong Pilipino ang nananatiling ‘unboosted’ vs Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Iniulat ng Department of Health (DOH) na limampung milyong Pilipino ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang unang booster shot ng bakuna laban sa Covid-19.

Muling hinimok ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire ang mga kwalipikadong indibidwal na kumuha ng kanilang mga booster shot para mas maprotektahan ang kanilang sarili laban sa Covid-19.

All over the country, we only have 26 percent out of all the eligible population na bakunado ng first booster shot,” ani Vergeire noong Miyerkules, Disyembre 7.

So imagine these 50 million na mga Filipino na wala pang first booster shot can very well have their critical illnesses because of Covid-19. At iyon ang ayaw nating mangyari,” dagdag niya.

Batay sa dashboard ng pagbabakuna ng DOH, may kabuuang 73,821,941 katao ang ganap na nabakunahan laban sa Covid-19. Gayunpaman, 21,102,493 na indibidwal lamang ang nakatanggap ng booster noong Disyembre 6.

Pinaalalahanan ni Vergeire ang publiko na ang proteksyon mula sa unang dalawang dosis ng bakuna sa Covid-19 ay humihina sa paglipas ng panahon.

Isa sa mga layunin kung bakit tayo nagbabakuna lalo na ang ating booster shots ay dahil nasabi na ng ebidensya na bumababa ang immunity ng una at pangalawang doses natin,” wika niya.

So, kailangan i-boost uli yung ating sistema para tumaas uli ang proteksyon,” dagdag niya.

Bukod sa karagdagang proteksyon, ang pagkuha ng booster shot ay maaari ding makaiwas ng pagka-overwhelm ng mga ospital, ani Vergeire.

LATEST

LATEST

TRENDING