Marcos Jr. sa PSA: Printing ng digital national ID, bilisan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa Philippine Statistics Authority (PSA) na bilisan ang pag-imprenta ng digital version ng national identification cards habang nagpupumilit ang ahensya na maabot ang target nito sa pamamahagi ng mga physical card.

Ginawa ni Marcos ang direktiba sa pakikipagpulong kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan at mga opisyal ng PSA, sa pangunguna ni Undersecretary Dennis Mapa, sa Malacañang kahapon, kung saan hinarap nila ang mga isyung may kinalaman sa paglulunsad ng Philippine Identification System (PhilSys) ID.

Let us print out as much as we can and then isunod natin ‘yung physical ID as soon as we can,” sabi ng Pangulo sa kanyang meeting kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan at mga opisyal ng PSA.

Sa nasabing pagpupulong ay napag-usapan ang kakayahan na mag-imprenta gayundin ang “late start ng flow of data at volume of data”.

Tiniyak naman ni PSA Undersecretary Dennnis Mapa na makikipagtulu­ngan sila sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para pabilisin ang produksyon at pag-imprenta ng Phil ID.

Paliwanag pa ni Mapa, na ang dagsa ng mga nagpaparehistro  ng PhilSys ID ang dahilan sa delay ng imprenta ng national ID cards.

Matatandaan na Oktubre nang simulan  ang implementasyon ng printed digital version ng Phil ID habang hindi pa naman nakakagawa ng physical ID na katulad ang di­senyo ng isang ATM card.

LATEST

LATEST

TRENDING