BOC: OT pay ng mga airport personnel, saklaw ng gobyerno mula noong 2012

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag kahapon ng Bureau of Customs (BOC) na ang gobyerno ang umaako sa overtime pay ng mga empleyado nito na naka-deploy sa mga airport mula noong 2012.

Sa isang briefing ng Laging Handa, sinabi ni Arnaldo dela Torre Jr., tagapagsalita ng BOC, na sinimulan ng bureau ang pagbabayad sa mga empleyado na nagbibigay ng dagdag na oras ng trabaho sa pagpapatupad ng Customs Administrative Order (CAO).

Since the implementation of Customs Administrative Order No. 7-2011, the Bureau of Customs, is the one paying the overtime of personnel who rendered work beyond office hours. This is funded by the government. So, the airline is not the one paying since 2012,” ani dela Torre, na isa ring BOC operations chief.

Noong nakaraang buwan, nagdesisyon ang Korte Suprema na hindi maaaring singilin ng BOC ang mga airline at iba pang pribadong kumpanya para sa overtime pay ng mga tauhan nito sa paliparan.

Ang 14-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Ricardo Rosario ay nagsabi na ang pagsingil ng naturang pagbabayad sa mga pribadong kumpanya ay isang paglabag sa Republic Act 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act.

Nag-ugat ang ruling sa petisyon na inihain ng BOC Employees Association noong 2013 para i-render ang invalid administrative orders na inisyu nina dating Commissioner Rufino Biazon at dating Finance Secretary Cesar Purisima.

LATEST

LATEST

TRENDING