Binance, binili ang Japanese crypto exchange Sakura

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

TOKYO, Japan — Inihayag ng pinakamalaking cryptocurrency platform sa mundo na Binance noong Miyerkules ang unang lisensya nito sa Silangang Asya sa pagbili ng opisyal na Sakura Exchange BitCoin ng Japan.

Ang Binance ay nasa spotlight mula noong bumaksak ang kalabang platform na FTX ngayong buwan.

Si Changpeng Zhao, ang Chinese-Canadian na pinuno ng Binance, ay nangako noong nakaraang linggo na maglalabas ng audit sa kanyang firm habang tinatanggihan ang mga claim na siya ang nagdulot ng pagbagsak ng FTX.

Ang mga tuntunin ng 100-porsiyento na pagbili ng Binance ng Sakura Exchange BitCoin na nakabase sa Tokyo ay hindi ibinunyag sa isang pinagsamang pahayag noong Miyerkules.

Ngunit sinabi ni Binance na “nilalayon nitong suportahan ang isang responsableng pandaigdigang gawi ng cryptocurrencies” sa pamamagitan ng pag-aalok ng Japanese-regulated services.

The Japanese market will play a key role in the future of cryptocurrency adoption,” wika ni Takeshi Chino, general manager ng Binance Japan, sa isang pahayag.

We will actively work with regulators to develop our combined exchange in a compliant way for local users.

Nagsikap ang Japan na palakasin ang regulasyon nito sa mga virtual currency kasunod ng pagbagsak ng MtGox Bitcoin exchange na nakabase sa Tokyo noong 2014.

LATEST

LATEST

TRENDING