OCTA: Positivity rate ng NCR Covid-19, tumaas sa 9.2%

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang lingguhang positivity rate o ang bilang ng mga taong nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa National Capital Region (NCR) ay tumaas sa 9.2 porsiyento noong Nobyembre 22.

Sa Twitter noong Miyerkules, sinabi ng kasamahan ng OCTA Research Group na si Guido David na ang bilang ay nagmamarka ng 1.8 porsiyentong pagtaas mula sa 7.4 porsiyento noong Nobyembre 15.

Unless these trends do not progress, we could be seeing the start of another wave of infections in NCR, similar to what we saw in June,” wika niya.

Noong Nobyembre 23, ang Department of Health ay nag-ulat ng 703 bagong impeksyon sa Covid-19, na nagdala sa kabuuang bilang sa 4,028,187 na may 17,049 na aktibong kaso.

Ang kabuuang positivity rate ng bansa ay 11.4 porsiyento.

Kabilang sa mga lugar na may pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng Covid-19 ang NCR na may 167 pang impeksyon; Tarlac na may 44; Cavite na may 33; Cebu na may 33; Iloilo na may 30; at Laguna na may 25.

Una rito, pinaalalahanan ng infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante ang publiko na huwag maging kampante sa pagsunod sa public health protocols, tulad ng pagsusuot ng face mask, pagpapabakuna, at pagtanggap ng booster doses habang nananatili ang community transmission sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING