Health expert: Mag-ingat sa mga pekeng gamot

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Isang infectious disease expert ang nagpaalala sa publiko na manatiling mapagbantay laban sa mga pekeng gamot dahil ito ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan ng isang tao.

Ang magiging epekto niyan sa katawan talagang hindi maganda. So, kailangan talaga natin na suriin,” wika ng eksperto sa nakakahawang sakit na si Dr. Rontgene Solante sa isang pampublikong briefing noong Martes, Nobyembre 22.

Unang-una hindi natin alam kung mas mataas ang mga adverse reaction or reaction ng mga gamot na ‘to dahil hindi natin alam kung ano ang quality,” dagdag niya.

Pinayuhan ni Solante ang publiko na bumili lamang ng mga gamot sa “awtorisado na mga tindahan ng gamot.”

Hinikayat niya ang publiko na maging mas maingat sa pagbili ng mga gamot online.

More importantly siguro we discourage online unless the online site na iyan ay authorized government or private na mga healthcare delivery drugs or drug stores,” wika niya.

LATEST

LATEST

TRENDING