Gobyerno nagtakda ng bagong National Vaccination Days

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Ang Department of Health (DOH) ay nagsasagawa ng panibagong round ng National Vaccination Days para hikayatin ang mas maraming tao sa buong bansa na kumuha ng kanilang booster shots laban sa Covid-19.

Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi kahapon ng officer-in-charge ng DOH na si Maria Rosario Vergeire na ang pamahalaan ay nagtatakda ng three-day national vaccination upang gawing mas accessible ang mga bakuna sa Covid-19.

We are expanding efforts to give more first boosters, and now we have 19,000-plus vaccination sites all over the country,” wika ni Vergeire. “We will have a Bakunahang Bayan from Dec. 5 to 7 to encourage more people and make vaccines more accessible to communities.

Sinabi niya na ang gobyerno ay nagbibigay ng mga pangunahing bakuna sa lahat ng mga indibidwal na limang taong gulang pataas, mga unang booster sa lahat ng 12 taong gulang pataas at pangalawang booster para sa mga senior citizen, health care worker at mga may comorbidities at immune compromised.

Sa kabila ng pagsisikap ng gobyerno, sinabi ni Vergeire na maraming tao ang nag-aalangan na kumuha ng Covid-19 jabs. Ngunit idiniin niya ang pangangailangan para sa mga tao na makakuha ng Covid-19 booster bilang karagdagang proteksyon, lalo na ngayong kapaskuhan.

Sinabi ni Vergeire na isinusulong ng health department ang pagpasa sa panukalang Center for Disease Control Law upang maipatupad ang patuloy na pagtugon sa Covid-19, kahit na matapos ang national state of calamity sa katapusan ng taon.

Ngunit kung hindi maisasabatas ang panukala, sinabi ni Vergeire na hihilingin ng DOH ang tatlong buwang pagpapalawig ng state of calamity.

Vaccine wastage

Nananawagan ang mga senador ng transparency sa P15.6 bilyong halaga ng mga bakuna laban sa Covid-19 o 31.3 milyong dosis na nasayang o hindi nagamit.

Sinabi ni Sen. Risa Hontiveros na tumataas pa rin ang rate ng vaccine wastage.

There is a steady trend of waste which means that efforts to curb it have been ineffective so far. Even if the WHO adjusted the threshold, we cannot afford the cost. We do not have the luxury of throwing more than P15.6 billion on the crisis and demand for funding of equally important government programs,” aniya, na tumutukoy sa World Health Organization.

Tinanong ni Hontiveros si Sen. Pia Cayetano sa deliberasyon sa panukalang 2023 budget ng Department of Health noong Miyerkules tungkol sa nasayang na bakuna.

Humigit-kumulang P15.6 bilyong halaga ng mga bakuna laban sa Covid-19 o 31.3 milyong dosis ang nasayang o hindi nagamit, sinabi ni Cayetano matapos makipag-usap kay Vergeire.

Nabanggit niya na ang bansa ay nakatanggap ng kabuuang 250.38 milyong dosis ng mga bakunang SARS-CoV-2.

Kabilang sa mga binanggit na dahilan ng vaccine wastage ay ang expiration, maikling shelf life, pinsala dahil sa mga natural na sakuna pati na rin ang pinsala dahil sa temperatura, discoloration at particulate o floating matter.

Sinabi ni Sen Bong Go, chairman ng Senate committee on health, karapatan ng lahat na malaman kung bakit nagkaroon ng labis na bakuna at kung bakit nagkaroon ng vaccine wastage.

It’s our right to know why there was excess and why there was wastage. For transparency, what really happened and so it won’t happen again and nothing will be wasted,” wika ni Go sa mga mamamahayag sa Senado.

Sinabi naman ni Sen. Ronald dela Rosa, sa kanyang bahagi “let’s ask what’s the reason for the wastage of the vaccines, why was that wasted, what’s the reason, let’s start there how to avoid those reasons to happen again.

LATEST

LATEST

TRENDING