DOH nakapagtala ng 1,774 pang kaso ng Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Natukoy ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes ang 1,774 na bagong impeksyon sa Covid-19.

Ang pinakahuling datos mula sa DOH ay nagpakita na ang mga aktibong kaso sa buong bansa ay nasa 19,267.

Ang Metro Manila ang may pinakamaraming kaso sa nakalipas na 14 na araw na may 3,351, sinundan ng Calabarzon na may 1,984, Western Visayas na may 1,512, Central Luzon na may 1,165, at Central Visayas na may 1,058.

Ang mga bagong impeksyon ay nagdala ng nationwide caseload sa 4,023,798.

Sa kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso, 3,940,073 ang na-tag bilang gumaling at 64,458 ang nasawi.

Pinaalalahanan pa rin ng DOH ang publiko na magpabakuna at magpalakas laban sa Covid-19.

Do not forget to practice physical distancing, frequent hand-washing, and ensuring good ventilation are our minimum public health standards that provide added layers of protection against the virus,” wika ng DOH.

LATEST

LATEST

TRENDING