Marcos, Cambodian PM isinasaalang-alang ang kooperasyon sa digitalization, 3 iba pa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nagpahayag ng layunin sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Punong Ministro ng Cambodia na si Hun Sen na palalimin pa ang ugnayan ng Pilipinas at Cambodia sa pamamagitan ng paggalugad ng posibleng pagtutulungan sa iba’t ibang larangan, kabilang ang digital transformation.

Nabuo ito matapos magdaos si Marcos ng bilateral meeting kasama si Hun Sen noong Huwebes sa Peace Palace sa Phnom Penh, Cambodia.

They (Marcos and Hun Sen) committed to expanding the extent of the two countries’ productive partnership over the last 65 years and exploring partnerships in a wide range of areas, including digitalization, health services, logistics, and assisting small business,” Office of the Press Secretary (OPS) officer-in-charge Undersecretary Cheloy Velicaria-Garafil said in a press statement.

Itinatag ng Pilipinas at Cambodia ang kanilang pormal na relasyong diplomatiko noong Agosto 20, 1957.

Noong 2016, nilagdaan ang mga kasunduan sa kooperasyon sa larangan ng paggawa, palakasan, paglaban sa transnational crimes at turismo sa state visit ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa Cambodia.

Ang pagpupulong ni Marcos kay Hun Sen ay naganap isang araw bago ang pormal na pagbubukas ng ika-40 at ika-41 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at Related Summits na pinangunahan ng Cambodia.

Bukod sa planong galugarin ang mga bagong partnership, tinalakay din nina Marcos at Hun Sen ang nangyayaring krisis sa Myanmar, isa sa mga miyembrong estado ng ASEAN.

Sa bilateral meeting, itinaas ni Marcos ang pangangailangang suriin ang “dynamics” ng pulitika sa Myanmar, habang nakikipag-ugnayan sa bansa “sa lahat ng paraan na posible,” isinaad ni Garafil.

Sumang-ayon din sina Marcos at Hun Sen na ang “pasensya” ay susi sa pagharap sa krisis sa Myanmar.

Mr. Prime Minister, as you have great experience in this matter, perhaps your advice to be patient, is the best that we can do right now,” sinabi ni Marcos, gaya ng sinipi ng OPS, kay Hun Sen sa bilateral meeting.

But we can still do more in terms of engagement in Myanmar. I’m in full agreement with you, Mr. Prime Minister, that that is the way forward,” dagdag niya.

Ang patuloy na krisis sa Myanmar ay nangunguna sa agenda ng ASEAN summit ngayong taon.

Noong Abril 2021, ang mga miyembrong estado ng ASEAN, na kinabibilangan ng Myanmar, ay sumang-ayon sa isang planong pangkapayapaan na tinawag na “five-point consensus,” na nananawagan para sa agarang pagwawakas ng karahasan sa bansa at naghahangad ng diyalogo sa pagitan ng militar at ng kilusang oposisyon.

Matapos ang kudeta ng militar noong 2021 na nagpabagsak sa gobyerno ni Aung San Suu Kyi, ang malawakang kaguluhan ay naiulat sa bansang pinamumunuan ng junta habang tinuligsa ng mga sibilyan ang pamamahala ng militar.

Nagkaroon din ng mahabang talakayan sina Marcos at Hun Sen tungkol sa tunggalian ng Russia-Ukraine, ani Garafil.

LATEST

LATEST

TRENDING