DOH, nangakong ilalapit ang mental health services sa mga komunidad

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Ayon sa Department of Health, madadagdagan nito ang access sa mga mental health service at palalakasin ang mga community-based mental health program.

Sinabi ng health officer-in-charge na si Maria Rosario Vergeire na susuportahan ng DOH ang pagpapaunlad ng mas maraming mental health facility sa buong kapuluan bilang bahagi ng pagsisikap nitong ilapit ang mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa mga komunidad.

Binigyang-diin din ni Vergeire ang kahalagahan ng pagpapabuti ng agenda ng pananaliksik sa paglaganap ng kalusugang pangkaisipan at ang pangangailangang dagdagan ang pondo para sa pagsasanay sa mga mental health professional.

We have adopted a non-specialized approach to bring mental health services closer to communities, ensuring that mental health care is available for all life stages in various settings and levels of care,” isinaad ng health official.

Ang stigma at diskriminasyon ay patuloy na humahadlang sa mga Pilipino sa paghahanap ng mga mental health services, dagdag ni Vergeire.

We need the support of other sectors to eliminate the stigma around mental health and help make Filipinos healthy, both physically and mentally,” wika niya.

Si Vergeire at iba pang opisyal ng kalusugan noong Miyerkules ay bumisita sa National Center for Mental Health sa Mandaluyong City upang suriin ang kondisyon ng mga pasyente at mga pasilidad ng ospital.

Iniulat ng DOH noong 2021 na hindi bababa sa 3.6 milyong Pilipino ang nakikipaglaban sa mga mental health issue sa gitna ng pandemya.

Noong 2018, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11036 o ang Philippine Mental Health Law, na naglalayong magbigay ng mental health services sa mga barangay, isulong ang mental health education sa mga paaralan at mga lugar ng trabaho, at pahusayin ang mga pasilidad sa pangangalaga sa kalusugang pangkaisipan.

LATEST

LATEST

TRENDING