Marcos, inaprubahan ang DOE offshore wind power dev’t plans

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sumang-ayon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa plano ng Department of Energy na tuklasin at paunlarin ang potensyal ng offshore wind (OSW) ng bansa bilang mapagkukunan ng malinis at napapanatiling enerhiya, inihayag ng Malacañang noong Miyerkules.

Ito ay nabuo, matapos pangunahan ni Marcos ang isang pulong kasama ang mga opisyal ng DOE sa Palasyo ng Malacañan sa Maynila noong Miyerkules ng umaga upang pag-usapan ang mga “immediate at medium-term” na plano para mapabuti ang sektor ng enerhiya.

In a meeting at the Malacañan Palace on Wednesday, President Marcos instructed DOE Secretary Raphael P.M. Lotilla and other energy officials to move forward with the agency’s offshore wind energy production initiatives,” sinabi ni Undersecretary Cheloy Garafil, officer-in-charge ng Office of the Press Secretary (OPS) sa isang pahayag.

Nabanggit ni Garafil na sa pagpupulong, gumawa din ang DOE ng panukala na lumikha ng Offshore Wind Development and Investment Council na magsisilbing one-stop shop para sa mga developer ng OSW.

Sinuportahan ni Marcos, ani Garafil, ang iminungkahing paglikha ng konseho na bubuuin ng mga kaugnay na ahensya ng gobyerno, ngunit idiniin na dapat pangasiwaan ng DOE ang mga regulatory function upang mapahusay ang koordinasyon at pasimplehin ang proseso ng pag-apruba.

It should be the Department of Energy [which] should be talking with the OSW developers, in consultation with the council, of course. It has to be led by the DOE,” wika ni Marcos, tulad ng sinipi ng OPS.

Pagbaba ng presyo ng kuryente

Sa isang panayam sa media habang nakasakay sa presidential plane patungo sa Cambodia, inulit ni Marcos ang kanyang pangako na itulak ang mas mababang singil sa kuryente.

Sinabi ni Marcos na nakipagpulong siya sa mga opisyal ng DOE upang talakayin ang “short-term, medium-term, and long-term” energy requirements sa bansa.

We spent a long time talking about how to bring down the prices,” aniya, na binanggit na ang DOE ay nakahanap ng paraan para i-rationalize ang power supply.

Binanggit din ni Marcos na mayroong patuloy na pakikipag-usap sa mga lokal na kooperatiba upang talakayin kung paano sila makakapagbenta ng kuryente sa pinakamababang presyo na posible.

Batay sa OSW Roadmap ng World Bank, ang Pilipinas ay may kapasidad na mag-deploy ng 40 Gigawatts ng OSW na kuryente pagsapit ng 2050.

Sa kasalukuyan, mayroong 42 na inaprubahang offshore wind contract na may indicator na kapasidad na 31,000 Megawatts (MW), batay sa datos na ipinakita ng DOE kay Marcos.

‘Malakas na interes’ ng pribadong sektor

Binanggit din ng DOE ang “malakas na interes” mula sa pribadong sektor, lalo na mula sa mga bansang itinuturing na “mga lider sa offshore wind technology” tulad ng Denmark, Norway at United Kingdom.

This is more than enough to cover the 500,000 MW projected peak demand the country will require by 2040 based on DOE’s medium to long-term power outlook,” isinaad ni Lotilla sa Pangulo.

Binigyang-diin ni Lotilla na ang power na bubuo sa pamamagitan ng mga proyekto ng OSW ay gagamitin upang matulungan ang bansa na matugunan ang mga pangangailangan nito sa enerhiya, gayundin upang makagawa ng mga alternatibong gasolina, tulad ng Green Hydrogen.

Sa pagbanggit sa ulat ng DOE, sinabi ni Garafil na ang hydrogen ay maaaring gawing ammonia, na isang pangunahing bahagi sa paggawa ng mga pang-industriyang pataba na ginagamit sa agrikultura.

Sinabi ng DOE na ang hydrogen ay maaaring gawing ammonia, na isang pangunahing bahagi sa paggawa ng mga pang-industriyang pataba na ginagamit sa agrikultura.

Noong 2021, nilagdaan ng DOE ang isang memorandum of understanding sa Australia’s Star Scientific Ltd. at Japan’s Hydrogen Technology Inc. para tuklasin ang potensyal ng hydrogen bilang pagmumulan ng enerhiya para sa Pilipinas sa hinaharap.

Mga Contingency plan

Sinabi ni Garafil na ipinakita rin ng DOE kay Marcos ang outlook nitong Nobyembre 2022 hanggang Disyembre 2023 na nagpakita na ang mga reserba ng kuryente sa Luzon ay maaaring mas mababa sa ideal na antas, dahil sa patuloy na pagsasara ng Ilijan Power Plant sa Batangas City, na may kabuuang kapasidad na 1,200 MW.

As a contingency, the energy department proposes to run the Ilijan Power plant, a dual-fuel power station in Ilijan, Batangas City, using diesel fuel to produce 420 MW, as well as implement the Interruptible Load Program,” wika ni Garafil.

Idinagdag ni Garafil na ang DOE at mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ay mahigpit na nakikipag-ugnayan para tugunan ang mga pagkaantala sa mga proyekto ng transmission line ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) upang mabakante ang kapasidad ng kuryente para sa 2023.

Aniya, maglalabas din ang DOE ng “short-term” action plans na magsisilbing gabay ng sektor ng enerhiya para sa 2022 hanggang 2024, habang hinihintay ang paglalabas ng Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.

Binuo din ng DOE ang Philippine Energy Plan 2020-2040, isang 20-taong plano na kinabibilangan ng mga inisyatiba at proyekto ng sektor ng enerhiya na naglalayong tiyakin ang sustainable, stable, secure, sapat, accessible at murang enerhiya.

Ang 20-taong plano ay nagtatakda ng target na 35 porsiyentong bahagi ng renewable energy sa power generation mix sa 2030 at 50 porsiyentong bahagi sa 2040.

Binigyang-diin ni Marcos, sa kanyang unang State of the Nation Address noong Hulyo 25, ang pangangailangang unahin ang malinis na enerhiya at i-tap ang natural gas at nuclear power upang matugunan ang pangangailangan ng enerhiya ng Pilipinas.

LATEST

LATEST

TRENDING