DBM inaprubahan ang P335 milyong bahagi ng BARMM sa mga buwis, iba pang bayarin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa mga buwis na nakolekta sa loob ng BARMM na nagkakahalaga ng mahigit PHP335 milyon.

Sa isang press release nitong Huwebes, sinabi ng ahensya na inaprubahan ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang bahagi ng BARMM sa mga buwis at iba pang bayarin noong Lunes.

The release of funds means more development projects to be implemented for the people and government of BARMM. This is important in their exercise of their right to self-governance,” wika ni Pangandaman.

Ang Seksyon 10 ng Republic Act 11054 o ang Organic Law para sa BARMM ay nagpapahiwatig ng pagbabahagi ng mga buwis na kinokolekta ng pambansang pamahalaan sa BARMM.

Sa ilalim ng batas, 25 porsiyentong bahagi ng pamamahagi ng mga buwis ang mapupunta sa pambansang pamahalaan habang ang gobyerno ng Bangsamoro ay makakakuha ng 75 porsiyentong pamamahagi ng bahagi ng mga buwis kasama ang mga bahagi ng bumubuo ng mga local government units.

Sa unang 10 taon mula sa bisa ng nasabing batas, ang 25 porsiyentong bahagi ng pambansang pamahalaan ay maiipon sa gobyerno ng Bangsamoro.

Samantala, sinabi ni Pangandaman na masaya siyang maaprubahan ang mga programa para sa BARMM at Mindanao sa kanyang kapasidad bilang Budget Secretary.

Siya ang nag-iisang Muslim na miyembro sa Gabinete ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

As mentioned, the DBM will continue to help BARMM, in every way we can, in their transition process,” dagdag niya.

Nauna nang nangako si Pangandaman na isusulong ang inclusive development sa Mindanao.

Malaki ang ginagampanan ng DBM sa pagtulong sa BARMM sa proseso ng badyet nito, dagdag niya.

We want them to have their parang own government so we’re helping them in whatever way we can in terms of capacity building,” aniya. 

LATEST

LATEST

TRENDING