Marcos tinitingnan ang mas matibay na ugnayan ng PH, Japan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Matapos ipahayag ang kanyang pasasalamat sa patuloy na interes ng Japan sa bansa, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na inaasahan niyang makapagtatag ng mas malakas na strategic partnership sa gobyerno ng Japan, at sinabing gusto niyang makipagtulungan sa kanila sa iba pang sektor.

Sinabi ito ni Marcos sa courtesy call ni Dr. Masafumi Mori, Special Advisor to Japanese Prime Minister Kishida Fumio, sa Malacañang noong Huwebes, Nobyembre 3.

Sa kanyang mga pahayag, sinabi ng Pangulo na nais niyang makipagtulungan sa gobyerno ng Japan sa climate change, maritime security, West Philippines Sea, agrikultura, food security, at infrastructure development.

Japan is and will remain a solid and steadfast partner of the Philippines,” wika ng Pangulo kay Masafumi.

I look forward to working closely with Prime Minister Kishida in building an even stronger strategic partnership with your country,” dagdag niya.

Sa pag-uulit ng mensahe ni Kishida, binigyang-diin ni Masafumi ang malakas na pangako at kumpiyansa ng Japan kay Pangulong Marcos at sa kanyang administrasyon habang ang Japan at Pilipinas ay nagpapatuloy sa kanilang mutual high-level engagement at bilateral platforms sa paghahangad ng pinahusay na strategic partnership.

Sinabi ni Masafumi na inaasahan ng kanyang bansa ang pagpapatuloy ng pakikipag-ugnayan nito sa gobyerno ng Pilipinas sa iba’t ibang larangan ng pagtutulungan, partikular sa pagpapaunlad ng imprastraktura.

Inulit din ng Special Advisor ang imbitasyon ng kanyang bansa kay Pangulong Marcos para sa isang state visit. Nakatakdang bumisita si Marcos sa Japan sa unang bahagi ng susunod na taon.

Nasa bansa si Masafumi para dumalo sa 13th High-Level Joint Committee Meeting on Infrastructure Development and Economic Cooperation.

Noong Huwebes, ipinahayag ni Marcos ang kanyang pasasalamat sa gobyerno ng Japan para sa patuloy na suporta nito para sa pagpapaunlad ng imprastraktura ng Pilipinas, at sinabing ang kauna-unahang subway system ng bansa, sa partikular, ay makakatulong sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga Pilipino sa lungsod.

Sinabi ito ni Marcos sa contract signing ng Contract Package 102 (CP102) – Quezon Avenue Station at Contract Package 103 (CP103) – Anonas at Camp Aguinaldo Stations ng Metro Manila Subway Project (MMSP) sa Malacañang.

I thank the Government of Japan for partnering with the Philippines in pursuing this important infrastructure development project,” wika ng Pangulo sa kanyang talumpati.

We thank you for your continued support, and I hope to further advance our cooperation in other areas for the mutual benefit of our peoples,” dagdag niya.

Ang Metro Manila Subway ang magiging unang underground railway system ng Pilipinas na may kabuuang haba na 33 kilometro na may 17 istasyon na tumatakbo mula Valenzuela City hanggang sa FTI-Bicutan sa Parañaque City, na may linya na kumukonekta sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.

Ang tulong sa pagpopondo para sa MMSP ay mula sa Gobyerno ng Japan sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

LATEST

LATEST

TRENDING