DOLE: Pagsusuot ng face mask sa lugar ng trabaho, hindi na mandatory

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Hindi na mandatory ang pagsusuot ng face mask sa mga lugar ng trabaho, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Wearing of face masks in workplaces will now be voluntary,”sSinabi kahapon ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, at idinagdag na saklaw nito ang lahat ng mga manggagawa at mga lugar ng trabaho sa pribadong sektor.

Hindi kasama sa direktiba ang mga pasilidad sa kalusugan tulad ng mga klinika, ospital, laboratoryo, nursing home, dialysis centers; mga medical transport vehicle tulad ng ambulansya at paramedic rescue vehicle, at pampublikong transportasyon sa pamamagitan ng land, air o sea.

Sinabi ni Laguesma na ang mga employer at kanilang mga manggagawa ay maaaring magpasyang magpatupad ng isang patakaran na nangangailangan ng pagsusuot ng mga face mask pagkatapos na isaalang-alang ang mga panganib tulad ng mga nakakulong na espasyo at mahinang bentilasyon; mga kinakailangan sa industriya tulad ng kaligtasan sa pagkain, at saklaw ng iba pang mga nakakahawang sakit tulad ng trangkaso at tuberculosis.

Nakasaad din sa direktiba na ang mga matatanda, immunocompromised, hindi nabakunahan, may sintomas ng Covid-19, mga taong may mga komorbididad at mga buntis na kababaihan ay hinihikayat na magsuot ng face mask sa mga lugar ng trabaho.

Sinabi ni Laguesma na parehong may responsibilidad ang mga employer at manggagawa na tiyakin ang ligtas at malusog na kondisyon sa pagtatrabaho.

Aniya, ang pagpapagaan ng face mask policy sa mga lugar ng trabaho ay alinsunod sa executive order na inilabas ng Malacañang noong Oktubre 28.

Nauna rito, inihayag ng Department of Education na opsyonal ang pagsusuot ng face mask sa mga silid-aralan.

Samantala, hinimok ni Sen. Bong Go ang publiko, lalo na ang mga estudyante na huwag maging kampante dahil nananatili ang banta ng Covid-19

Sinabi ni Go, chairman ng Senate committee on health, ang kalusugan at kaligtasan ng mga Pilipino ang kanyang prayoridad.

Human life, unlike a movie, has no part two. A life lost is a life lost forever. Let’s take care of each other’s life and health,” isinaad ni Go.

While I welcome science-based policies and measures that will help us renormalize our lives again such as the voluntary wearing of masks indoors and outdoors, we should still not be complacent as the threat of an unseen and evolving enemy remains,” wika ni Go.

Kung ang pagsusuot ng face mask ay hindi isang abala, sinabi ni Go na dapat ipagpatuloy ng lahat ang paggawa nito para sa proteksyon.

Inulit niya ang kanyang apela sa mga hindi pa nabakunahan na magpabakuna, lalo na ang booster, na binanggit na ito ay susi para mapagtagumpayan ang pandemya.

Ikinalungkot ni Go na masyadong mababa pa rin ang booster rate ng bansa, isa sa pinakamababa sa buong Southeast Asia.

Sinabi niya na noong Nobyembre 1, ang rate ng nabakunahan ay humigit-kumulang 48 porsiyento sa mga batang may edad na 5-11, habang ang unang booster dose uptake ay nananatiling mababa sa buong bansa sa lahat ng mga pangkat ng edad sa humigit-kumulang 26 porsiyento ng target na populasyon.

LATEST

LATEST

TRENDING