DOH: Mga kaso ng typhoid fever tumaas ng 150%

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nakapagtala ang Pilipinas ng 12,124 na kaso ng typhoid fever mula Enero 1 hanggang Nobyembre 2, ngunit walang rehiyong naiulat na higit sa epidemic threshold, ipinahayag ng Department of Health noong Miyerkules.

Ang tally ay 150 porsiyento o 7,280 kaso na mas mataas kaysa sa 4,844 na impeksyon na iniulat noong nakaraang taon para sa parehong panahon.

“Tulad ng cholera pababa pa ang kaso ngayon pero babantayan natin kung magkakaroon pa ng pagtaas ng kaso ng typhoid,” wika ni Department of Health – Epidemiology Bureau Director Alethea de Guzman sa isang online forum.

Habang mas mataas kaysa 2021 at 2020, ang mga kaso ng typhoid fever sa taong ito ay mas mababa kaysa sa mga lingguhang impeksyon na iniulat noong mga taon bago ang pandemya. Nananatili rin itong mababa sa epidemic threshold.

May kabuuang 56 na pagkamatay dahil sa typhoid fever ang naitala sa buong bansa. Humigit-kumulang 17 porsiyento ng mga kaso ay mga batang may edad isa hanggang apat na taong gulang.

Ang Batangas, Bohol, Bukidnon, Cagayan City, Catanduanes, Cebu, Davao City, Guimaras, Misamis Occidental, Mountain Province, Negros Occidental, Nueva Ecija, Rizal, Sarangani, at Santiago City ay nagkaroon ng positive growth rate ng mga kaso ng typhoid fever noong nakaraang tatlo hanggang apat na linggo.

“Itong mga nililista nating mga lugar na may pagtaas ng typhoid cases ay wala pong relasyon sa Typhoon Paeng, pero again part siya ng gagawin nating close monitoring,” wika ni de Guzman.

LATEST

LATEST

TRENDING