DILG, nakikipag-ugnayan sa mga tinamaan ng bagyo sa BARMM

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Nangako si Interior Secretary Benhur Abalos na makikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na matinding nasalanta ng mga baha at landslide na dulot ng Severe Tropical Storm Paeng.

Sa isang pahayag noong Sabado, sinabi ni Abalos na nakahanda na ang lahat upang makipagtulungan sa mga local government units sa pagtulong sa mga biktima ng bagyo.

Nakikipag-ugnayan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa counterpart nito sa BARMM para tulungan silang ma-access ang kanilang calamity funds ngayong isinailalim na sa state of calamity ang rehiyon, dagdag niya.

The DILG is working with concerned national government agencies to respond to affected families and mitigate the loss of lives and damage to property,” wika ng DILG chief habang nakikiramay siya sa mga pamilya ng 48 patay, karamihan sa rehiyon ng Bangsamoro.

Even though BARMM is autonomous with its own system of government, the DILG is ready to assist the region in their time of need,” dagdag niya

Mahigit kalahati ng mga residente sa BARMM o 83,326 pamilya na binubuo ng 416,630 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo, ani Abalos.

May kabuuang 158,040 indibidwal at 41,378 pamilya ang pre-emptive na inilikas bago ang pag-landfall ng bagyo, dagdag niya.

Ang Bicol region ang may pinakamaraming evacuees na may 101,116, na sinundan ng Western Visayas na may 34,342; Eastern Visayas, 12,123; Mimaropa, 6,036; Calabarzon, 2,780; Soccsksargen, 898 at Central Visayas, 718.

Nagpasalamat si Abalos sa mga local government units sa kanilang pagsisikap sa paghahanda sa epekto ng bagyo.

LATEST

LATEST

TRENDING