DSWD: Sapat ang pondo para sa kalamidad hanggang katapusan ng taon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sa panibagong bagyong nagbabantang tumama sa bansa sa katapusan ng linggo, tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Huwebes na may sapat na pondo ang gobyerno para tumugon sa mga sakuna at kalamidad.

Sa isang pampublikong briefing ng Laging Handa, sinabi ni DSWD Undersecretary Eduardo Punay na mayroon pa ring PHP1.4 bilyon ang departamento, kabilang ang PHP450 milyon na standby funds.

So, handa po tayo at mayroon po tayong pondo hanggang sa katapusan po ng taon para rumesponde sa pangangailangan ng ating mga kababayan na maaapektuhan po ng mga bagyo at mga kalamidad,” wika ni Punay.

Agad aniya na binisita ni DSWD Secretary Erwin Tulfo ang mga lugar na naapektuhan ng magnitude 6.4 na lindol na tumama sa Abra noong Martes ng gabi.

“Una niya pong binisita ang Ilocos Norte kung saan po ay tumulong tayo sa mga apektadong mga residente doon, namahagi po tayo sa mga kabahayan at mga pamilya na nasira ang mga bahay,” aniya.

Pumunta rin aniya si Tulfo sa Lagayan, Abra para magbigay ng tig-P5,000 sa pitong sugatang residente.

Aniya, 236 family food packs, modular tents, at PHP198,000 na humanitarian assistance ang naipamahagi sa mga biktima ng lindol.

Sinabi ni Punay na ang DSWD ay naghanda ng 561,259 family food packs at iba pang relief goods para sa mga lugar na maaapektuhan ng Tropical Storm Paeng.

Ayon sa weather bureau, napanatili ni Paeng ang lakas nito habang dahan-dahang kumikilos patungong timog-kanluran na may pinakamataas na lakas ng hangin na 65 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kph.

Ang sentro ng bagyo ay tinatayang 510 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar at inaasahang magla-landfall sa Linggo sa silangang baybayin ng Aurora at Bicol Region.

Si Paeng, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ay inaasahang lalakas pa habang gumagalaw sa Philippine Sea.

It is forecast to reach severe tropical storm category within 24 hours and may intensify into a typhoon by Saturday,” wika ni PAGASA.

LATEST

LATEST

TRENDING