PH, binabantayan ang mga Pilipino sa Ukraine pagkatapos ng deklarasyon ng martial law ni Putin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Patuloy na binabantayan ng gobyerno ng Pilipinas ang kalagayan ng 25 na mga Pilipino sa Ukraine matapos ideklara ng Russia ang martial law sa apat na Ukrainian region.

Sinabi ng Maynila na nakahanda rin itong iuwi ang mga natitirang Pilipino sakaling humingi sila ng tulong para sa agarang pagbabalik sa bansa.

Following Russia’s declaration of martial law in Ukrainian regions, our Philippine Embassy in Warsaw, Poland and our Honorary Consulate General in Kyiv, Ukraine are constantly monitoring the conditions and circumstances of Filipino nationals who remain in Ukraine,” wika ng Department of Foreign Affairs (DFA).

The Philippine Embassy in Warsaw and the Honorary Consulate General in Kyiv have accounted for 25 Filipino nationals in Ukraine, mostly residing in Kyiv, and none from the regions where martial law was declared,” dagdag nito.

Naiuwi na ng ahensya ang humigit-kumulang 400 sa mahigit 450 overseas Filipinos sa Ukraine mula noong invasion ng Russia noong Pebrero 2022.

Ang Pangulo ng Russia na si Vladimir Putin noong Miyerkules ay nagdeklara ng martial law sa Kherson, Zaporizhzhia, Donetsk at Luhansk, na naging paksa ng mga tinatawag na referendum ng Moscow noong Setyembre 2022.

Ang mga reperendum ay inilarawan ng United Nations bilang ilegal, na nagsasabing hindi ito nagiging batayan para sa anumang pagbabago sa katayuan ng mga rehiyong Ukraine.

Noong Oktubre 12, ang Pilipinas ay sumali sa 142 iba pang mga bansa sa pagpabor sa isang resolusyon ng UN na tumanggi sa mga resulta ng reperendum at kinondena ang “attempted illegal annexation” ng Russia sa apat na rehiyong Ukraine.

LATEST

LATEST

TRENDING