PAGASA: Bagyong Neneng, lumabas na sa Philippine Area of Responsibility

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Umalis sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Neneng (international name Nesat) alas-8 ng gabi noong Linggo, ipinahayag ng state weather bureau PAGASA.

This tropical cyclone will continue to move westward over the West Philippine Sea until tomorrow morning, then turn and move generally west-southwestward for the remainder of tomorrow through Wednesday morning,” sinabi ng mga state forecaster sa kanilang pinakahuling weather bulletin na inilabas 11 p.m. Linggo ng gabi. 

Ang lahat ng tropical cyclone wind signals ay inalis, ngunit ang hanging habagat na dulot ng bagyong Neneng, gayunpaman, ay maaaring magdala ng paminsan-minsang pagbugso sa kanlurang bahagi ng Luzon, silangang bahagi ng Central Luzon, at kanlurang bahagi ng Visayas.

Paminsan-minsang pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Visayas at MIMAROPA at sa hilaga at kanlurang bahagi ng Mindanao, isinaad ng PAGASA. 

Ayon sa PAGASA, huling nakita si Neneng 335 km West Northwest ng Calayan, Cagayan na kumikilos pakanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 20 kph at may hanging aabot sa 120 kph malapit sa gitna nito. 

Sa pinakahuling ulat ng sitwasyon, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na 7,519 pamilya o 27,914 indibidwal mula sa 34 na lungsod at munisipalidad ang naitala na naapektuhan ng bagyo.

LATEST

LATEST

TRENDING