DHSUD: Housing program makabubuo ng 1.7 milyong trabaho bawat taon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Tinatayang 1.7 milyong trabaho kada taon ang inaasahang mabubuo sa ilalim ng anim na taong mass housing program ng administrasyong Marcos, ipinahayag ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Sa inilabas na pahayag kahapon, sinabi ni Human Settlements Secretary Jose Rizalino Acuzar na maliban sa pagtaas ng cash flow sa market ng housing sector, malaki rin ang “Pambansang Pabahay Para sa Pilipino: Zero ISF (Informal Settler Family) 2028 Program” ng administrasyon ay isa ring malaking job generator.

It is projected to have direct and indirect jobs in the sector especially in areas where mid-rise to high-rise units will be built,” isinaad ni Acuzar.

Batay sa pag-aaral nito, nakikita ng DHSUD na hindi bababa sa walong manggagawa ang kailangan para magtayo ng housing unit sa loob ng isang tiyak na panahon.

Layunin ng Pambansang Pabahay program na makapagtayo ng isang milyong housing units kada taon o kabuuang anim na milyong housing units sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Marcos sa 2028.

Ang programa ay naglalayong tugunan ang backlog ng pabahay ng bansa na inaasahang nasa 6.5 milyong mga yunit sa pagtatapos ng 2022 at inaasahang tataas sa 10.9 milyon sa pagtatapos ng 2028.

Sinabi ng DHSUD na ang malaking bilang ng mga trabahong malilikha sa ilalim ng Pambansang Pabahay program ay makatutulong sa pagkamit ng post-pandemic economic agenda ng administrasyon, na kinabibilangan ng paglikha ng mas maraming trabaho sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga pamumuhunan.

Batay sa kamakailang ulat ng Philippine Statistics Authority, mayroong 2.68 milyong mga Pilipinong walang trabaho na may edad 15 hanggang 64 hanggang Agosto 2022.

With this (Pambansang Pabahay) program, we will also be tapping the economic pump-priming potentials of the housing sector,” wika ni Acuzar.

Nauna rito, nanawagan si Acuzar sa House of Representatives na magbigay ng hiwalay na P36-bilyong alokasyon para pondohan ang interest subsidy para sa unang isang milyong housing units na itatayo sa susunod na taon sa ilalim ng programa.

Sinabi ni Acuzar na sa P36-bilyong interest subsidy, ang mga tatanggap ng pabahay ay magbabayad lamang ng prinsipal at isang porsyento ng interes habang ang natitirang interes ay sasagutin ng gobyerno.

Sa ngayon, nilagdaan na ng DHSUD ang isang memorandum of understanding sa Development Bank of the Philippines at sinigurado na rin ang commitment ng Land Bank of the Philippines at ilang commercial banks para sa aspetong financing.

LATEST

LATEST

TRENDING