PRC pinalawig ang pagtanggap ng CPD requirements hanggang Disyembre 2023

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang deadline para sa pagtanggap ng Continuing Professional Development (CPD) requirements para sa mga magre-renew ng kanilang professional identification card ay pinalawig hanggang Disyembre 31, 2023.

Ito ang inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) noong Martes, Oktubre 11.

Ang pagpapalawig na ito ay dahil sa patuloy na banta ng Covid-19 na nagpapaantala sa mga propesyonal sa pagkumpleto ng kanilang mga kinakailangan, ani PRC.

Professionals are advised further that the execution of an undertaking shall not constitute as a waiver of the CPD compliance and such compliance shall be completed on the next renewal cycle,” dagdag ng PRC.

Maaaring i-email ang mga katanungan at alalahanin sa email address ng CPD Division.

Maaari ding tingnan ng mga aplikante ang mga update sa website ng PRC at Facebook at Twitter account.

LATEST

LATEST

TRENDING