Pope Francis, muling nanawagan laban sa death penalty

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

VATICAN CITY – Muling nanawagan noong Lunes si Pope Francis na tanggalin ang parusang kamatayan, sa okasyon ng World Day Against the Death Penalty.

I call on all people of goodwill to mobilize for the abolition of the death penalty throughout the world,” isinulat ni Francis sa kanyang pahina sa Twitter, kung saan ang pontiff ay may halos 50 milyong tagasunod sa buong mundo.

Society can effectively repress crime without definitively depriving the offenders of the possibility of redeeming themselves,” dagdag niya.

Ang Argentine pope ay nagsalita laban sa death penalty sa buong panahon ng kanyang pontificate at noong 2018 ay tinawag itong “inadmissible” habang pinaigting niya ang paninindigan ng Simbahan sa parusang kamatayan.

Sa pagtatapos ng nakaraang taon, 108 bansa ang nagtanggal ng parusang kamatayan para sa lahat ng krimen, ayon sa Amnesty International.

Kabilang sila sa 140 bansa kung saan inalis ang parusang kamatayan sa pagsasagawa man o sa batas, na kumakatawan sa tatlong-kapat ng mga estado sa mundo.

Hindi bababa sa 579 katao ang pinatay noong nakaraang taon sa 18 bansa, ayon sa pinakahuling ulat ng Amnesty na inilathala noong Mayo, isang pagtaas ng 20 porsiyento mula sa nakaraang taon.

Mahigit kalahati sa kanila ay nasa Iran.

Kabilang sa mga pinakahuling bansang nagwakas sa parusang kamatayan ay ang Equatorial Guinea, Malawi, Kazakhstan at Sierra Leone.

LATEST

LATEST

TRENDING