Putin, nilagdaan ang mga panukalang batas para sa pagsasanib sa apat na rehiyon ng Ukraine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MOSCOW — Nilagdaan ng Pangulo ng Russia na si Vladimir Putin noong Miyerkules ang batas upang isama ang apat na teritoryo ng Ukraine, isinaad sa mga dokumento ng gobyerno. 

Ang mga rehiyon ng Donetsk, Lugansk, Kherson at Zaporizhzhia ay “tinanggap sa Russian Federation alinsunod sa konstitusyon ng Russian Federation”, ayon sa mga dokumento.

Pinirmahan din ni Putin ang mga kautusang pormal na nagtatalaga sa kasalukuyang mga pinuno ng apat na rehiyon na sinusuportahan ng Moscow bilang kanilang mga kumikilos na pinuno.

Ang annexation legislation ay nagkakaisang sinusuportahan ng parehong lower and upper chambers of parliament ng Russia.

Pinangunahan ni Putin noong Biyernes ang isang engrandeng seremonya sa Kremlin kung saan nilagdaan niya ang mga kasunduan sa mga pinuno ng apat na rehiyon na na-install ng Moscow upang maging sakop ng Russian Federation, sa kabila ng pagkondena mula sa Kyiv at mga kaalyado nito sa Kanluran.

Ang apat na teritoryo ay lumikha ng isang mahalagang land corridor sa pagitan ng Russia at Crimean Peninsula, na pinagsama ng Moscow noong 2014.

Ang limang rehiyon ay bumubuo sa humigit-kumulang 20 porsiyento ng Ukraine.

Ngunit ang mga pwersang Ruso ay walang ganap na kontrol sa Kherson o Zaporizhzhia at ang Kremlin ay hindi pa nakumpirma kung anong mga lugar ng mga rehiyong iyon ang isinasama.

LATEST

LATEST

TRENDING