SIM Card Registration Act, inaprubahan ng Senado

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Lahat ng mga senador na dumalo sa ika-25 regular na sesyon ng Senado na ginanap noong Martes ay bumoto para pagtibayin ang Senate Bill 1310 o ang Subscriber Identity Module (SIM) Card Registration Act.

Pinasalamatan ni Senator Grace Poe, chair ng Committee on Public Services, ang kanyang 19 na kasamahan sa pag-apruba sa panukala.

Binanggit din niya sina Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III at Senator Pia Cayetano para sa kanilang mga kaugnay na pag-amyenda.

Finally, meron na tayong magagawa aside from just ignoring, deleting, or blocking the numbers with fraudulent or spam messages,” wika ni Poe sa kanyang privilege speech.

We now have in our hands the means to unmask the criminals who have been hiding for so long under the protection of anonymity and to bring them to justice,” dagdag niya.

Layunin ng Senate Bill 1310 na sugpuin ang mga krimen sa mobile phone sa pamamagitan ng pag-aatas sa lahat ng gumagamit ng mobile phone na magpakita ng valid government-issued identification at mga dokumento sa pagpaparehistro ng kanilang mga SIM o eSIM.

Ang mga kumpanya ng telekomunikasyon (telcos) ay itatalagang protektahan ang personal na impormasyon ng mga subscriber sa ilalim ng regulasyon ng Department of Information and Communications Technology.

Ang inaprubahang bersyon ng House of Representatives ay nagpapataw ng multa mula PHP5,000 hanggang PHP1 milyon sa mga telcos, sa kanilang mga awtorisadong nagbebenta ng SIM card, at maging sa mga manggagawa ng gobyerno na hindi susunod sa batas.

Pagsasamahin sa bicameral conference ang dalawang bersyon ng panukalang batas bago ito isumite para sa lagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

LATEST

LATEST

TRENDING