PH, Niue nagtatag ng diplomatikong relasyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Nilagdaan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Punong Ministro ng Niue na si Dalton Emani Makamau Tagelagi ang isang joint communiqué para sa pormal na pagtatatag ng diplomatikong relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng Pacific Island nation.

Ang makasaysayang paglagda ng joint communiqué ay ginanap sa Reception Hall ng Palasyo ng Malacañan sa Maynila noong Martes.

Nagpahayag si Marcos ng pag-asa na ang diplomatikong ugnayan ng Pilipinas at Nieu ay magbibigay sa mga Pilipino at Niue ng “mas magandang kinabukasan”.

We are optimistic that stronger cooperation between our countries will lead to a better future for our people,” aniya sa isang pahayag na ipinost sa kanyang opisyal na Facebook page.

Si Emani, sa isang post sa Twitter, ay nagpahayag din ng pag-asa na lalago ang relasyon ng dalawang bansa.

We look forward to growing this relationship and bringing together our people,” wika ni Tagelagi.

Tinaguriang “Rock of Polynesia,” ang Niue ay isang islang estado sa Timog Pasipiko na matatagpuan mga 2,400 kilometro sa hilagang-silangan ng New Zealand.

Ang Niue, isa sa tatlong estado sa Realm of New Zealand, ay isang self governing nation mula noong 1974.

Sa ilalim ng Niue Constitution Act 1974, ang New Zealand ay nagbibigay ng kinakailangang tulong na pang-ekonomiya at administratibo sa Niue, gayundin ang tulong sa mga gawaing panlabas, depensa at seguridad kung hihilingin ng Gobyerno ng Niue.

Pagpupulong sa mga envoy

Nakipagpulong din si Marcos kay Ambassadors Ricardo Luis Bocalandro (Argentina), Antonio Jose Maria de Souza e Silva (Brazil), Claudio Alberto Rojas Rachel (Chile), Marcela Ordoñez Fernandez (Colombia), at Gerardo Lozano Arredondo (Mexico).

Ang mga diplomat ay bumisita kay Marcos sa President’s Hall of Palace noong Martes, sinabi ng state-run Radio Television Malacañang.

Si Marcos, sa isang Facebook post, ay nagpahayag ng pasasalamat sa mga ambassador para sa pagbibigay ng courtesy call.

We look forward to strengthening ties and cooperation between our nations to realize the hopes and dreams of our people,” aniya.

LATEST

LATEST

TRENDING