PAGASA: LPA sa labas ng extreme northern Luzon, inaasahang magiging tropical depression

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA — Ipinahayag ng state weather service PAGASA nitong Miyerkules na namataan nito ang isang low pressure area sa extreme northern Luzon na tinatayang magiging tropical depression.

Sinabi ng PAGASA sa isang advisory na ang weather disturbance na nakita sa 1,240 kilometers east ng extreme northern Luzon ay maaaring maging tropical depression sa loob ng 48 oras.

Hindi inaasahang maaapektuhan ng LPA ang alinmang bahagi ng bansa sa susunod na 24 oras, inihayag ng PAGASA.

Samantala, ang southwest monsoon o habagat ay magdadala ng mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Palawan at Occidental Mindoro habang patuloy itong nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng gitna at timog Luzon.

Ang Habagat at localized thunderstorms ay inaasahan ding magdadala ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.

Nagbabala ang PAGASA na maaaring mangyari ang kalat-kalat hanggang sa malawakang pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa pag-ulan. 

LATEST

LATEST

TRENDING